Pagtatapos
Lahat ng naumpisahan kalaunan ay magwawakas
Parang araw na sisikat sa umaga
Ngunit unti-unting maglalaho sa hapon
Pero bawat pagtatapos ay panibagong simula
Tila buwan na siyang lumiliwanag tuwing pagsapit ng dilim
At bukas muling sisikat ang araw
Liham ni Eba
Hantungan
Mahal kita ng lubos
Ngunit ako'y unti-unti nang nauubos
Ayokong bumitaw sa'yo
Pero wala na'kong kakayahan
Ang hirap paniwalaan
Na ito na ang ating hantungan
Liham ni Eba