Kamusta?
Araw-araw ay puno ng itim na ulap
At ang pakiramdam ay sumisikip
Pasikip nang pasikip
Pahirap nang pahirap
Umiiyak nang bigla
Hanggang wala nang mailuha
Umabot sa blangkong emosyon
Hindi mawari ang tensyon
Sa tuwing aahon ay hindi pa natatapos
Kailan ba ang katapusan nitong agos
Kasi nakakapagod na
Sobrang pagod na
Puno ng mga ano at bakit
Pero heto at kumakapit
Sumusubok at umaasa
Sakit ay iniinda
Siya pa ring tatanggapin
Sarili ay muli't muling iintindihin
Papaniwalaan ang lahat
Pilit magiging sapat
Liham Ni Eba
PS: Ikaw kamusta ka nga bang talaga?