Liham ni Eba: Katotohanan

Katotohanan

Biglang napapahinto at natutulala
Kinukwestyon ang sarili at presensya
Katahimikan ang bumabalot sa kapaligiran
Bakit hindi pa rin matahimik ang isipan

Nalilito at nangangamba
Nadarama ay hindi mailahad
Ano na nga ba ang realidad
Ang hirap na makita
Totoo ba ang lahat
Talaga bang nandirito
Panaginip lang ata ito
Pilit naghahanap ng sagot
Pero malamig na hangin ang gigising
Pahiwatig na siya ay kapiling
Siya ang paalala at patutunguhan
Siya na tanging kasagutan at katotohanan

Liham Ni Eba

Ako ang daan, ang katotohanan,
at ang buhay.

et-breathes.blogspot.com

Post a Comment

0 Comments